Last March 04, 2026, a man (26M) messaged me (23F) on Instagram stating that he saw my profile on bumble. I hesitated at first since alam ko ang kalakaran sa yellow app. I've been there on and off in my college life until this year. But after a week na magkausap kami, nawala sa isip ko kung ano man yung doubts ko.
He's sweet, and caring. Pinupuntahan niya ko minsan kapag di sya busy sa office or wala siyang inspection the following day (he's civil engineer). On our first meet, we just talked about life, his past, exes, college life and achievements. Magaan siya kasama, mabait and family-oriented. We've been constantly talking until now. May updates, videocalls, and assurance na ako lang ang kausap niya, na wala siyang asawa or girlfriend.
Kahit di ko aminin, alam ko sa sarili ko na na attached na ko sa kanya. Akala ko nung una okay lang kasi wala lang naman kako, chat lang naman and parehas lang na kagagaling namin sa breakup. Sinasabi niyang naka move on na sya pero feel ko hindi.
Last night magkasama kami, hindi maiiwasan na may mangyari. After that, we just cuddled and talked about random things. Doon na naopen yung sa ex niya. His eyes looks sad habang kwinekwento yung nangyari sa kanila, pero masaya and magaan yung mukha niya nung sinasabi niyang writer yon sa same company na pinapasukan niya, and singer yung girl while pointing out kung saan niya madalas minimeet and pinapanood. Mayaman yung girl, hindi ko katulad na breadwinner ng pamilya ko. Struggling financially kahit may trabaho na sa government. Habang pinag uusapan yon, don ko na realized na hindi pa siya okay. Kung paagtatagpiin din yung minsan niyang pananahimik, pagrerelapse and pagka lungkot habang nasa work siya. He also told me rin kasi na last december magkasama pa sila, pero contradicting nung sinabi niyang seven months na silang hiwalay.
Naalala ko rin minsan na may nag follow sakin sa ig, tinanong ko sa kaniya yon kung kilala niya. He only said na follower niya lang sa dummy account. Upon stalking the girl ngayon, nagwowork din sya sa workplace ni guy, kumakanta siya and nagsusulat, Nakita ko sa timeline niya. And doon na nagtugma tugma ang lahat.
Ngayon, sineen ko nalang message niya. Nawalan na ko ng gana. Alam kong ayaw niyang di nagsasabi kapag may problema, pero ayoko na talaga. Planning to deactivate my ig account, again. Hindi ko siya mabblock sa blue app since hindi ko alam account niya ron. Hindi ko nga alam if pangalan niya ba talaga yung pinakilala niya sakin kasi di ko siya mahanap sa kahit na anong socmeds platform or kahit yung pangalan niya man lang sa CELE Results nung 2021.
Mas magaan kung ngayon ko na bibitawan, kesa mas lalong lumalim ang nararamdaman ko.