Mag 4 years na kami ng bf ko pero nagdadalawang isip na ako. Gusto ko mag settle na with my bf kaso kay sabit and I don’t see myself settling in sa ganitong sitwasyon.
Ex kasi ng bf ko yung nanay ng pamangkin nya. Sa madaling salita, jinowa ng kapatid ng bf ko yung ex nya at nakabuo sila. Ngayon, nakatira sila sa iisang bubong. Ang awkward tuwing may family gatherings at the same time hindi ako comfortable na umaaligid sya sa jowa ko.
Minsan ginagawa nya pang excuse yung anak nya para makalapit sa bf ko. Triny ko komprontahin yung bf ko pero sabi nya wala lang daw yun. Para lang daw sa bata.
Ano po kaya ang magandang gawin? Gulong gulo na po ako.